Magtatagalog ako ngayon dito sa post ko. Mahirap na baka mabasa pa ito ng mga kaklase ko at maging issue pa ito sa school. Sawang sawa lang naman ako sa isa kong kaklase na ubod ng yabang, tipong akala mo kung sinong magaling. Tawagin natin siya sa pangalang "BREE" (Hindi nya totoong pangalan). Pasalamat siya at hindi ko sinabi ung "totoo" nyang pangalan at inenglish tong post na to. Pero malapit ko ng gawin iyon.
Best friend and turing nya sa akin. Kamusta naman iyon? May bestfriend ako at kontento na ako sa kanya. Gaya-gaya pa shet ! Mayabang na walang utak. Oo sinabi ko na ito dahil nung Science class, edi magtetest kami agad. Edi syempre wala pa kaming pinagaaralan so pinagbigyan kami ng teacher namin na magtake ng notes sa book para may maisagot naman kami sa test. So yeah, nakopya ko lahat, as well as her, just in time ! Edi may kopyahan na kami so obviously wala naman na sigurong babagsak or walang maisagot. NAGKAMALI AKO ! MAY ISANG TAONG BUMAGSAK PA SA TEST NA YUN ! AS IN YUNG TAONG YUN WALANG NAISAGOT NI ISA AT MAY KODIGO NA SYA ! WALANG IBA KUNDI C BREE ! Taena, sampung madadali na tanong at 0 out of 10 pa sya ! Grabe, yung time ko lang nalaman na talagang may bobong tao. OO, BOBO. Grabe, hindi ako makapaniwala na magkasection kami. Palibhasa naman kasi lumipat lang sya from the LOWER SECTION kasi according to her, "I'm smart". Haring this word out of her mouth just makes me puke !
Lagi ko syang pinagbibigyan pero ngayon punong puno na ako sa kanya. Sawang sawa na akong marinig boses nya at makita pagmumukha niya. Dahil ayoko naman magumpisa ng away, umaalis nalang ako kapag nagsasalita siya.
Hindi ko na siya kinakausap since Monday. Ngayon eh nagrereact and bruha kung bakit di ko sya kinakausap blah blah blah... Pinabayaan ko lang. Pero bukas pagbigla nya ulit ako tanungin kung anu problema ko, tae ! Handang handa na akong makipagsagutan sa kanya harap harapan ! Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Alam ko parang hindi ako ito pero punong puno na ako sa kanya at kapag nagharapan kami gusto kong maasar siya sa akin, I want her to feel bad, gusto ko makita reaction nya. I can't wait.